7 tanod inasunto sa panggugulpi

BULACAN, Philippines – Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang pitong barangay tanod matapos pagtulungan ang 27-anyos na mister sa bayan ng Marilao, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Jeron Pascual ng Barangay San Juan, Balagtas habang kinilala naman ang mga suspek na sina Rolando Contreras, Edgar Manuyag, Edwin Prospero, Dennis Cayco, Jaime Gacosta, Edgar Trinidad at si Rolly Contreras na pawang nakatira sa Barangay Tabing-Ilog sa Marilao. Sa ulat ni PO2 Marcelo Galsim, lumilitaw na namagitan lamang ang biktima sa away ng kanyang utol at misis nito. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang dumating ang mga suspek na lulan ng patrol car kung saan sinita ang biktima sa away ng mag-asawa. Sinasabing hindi nagustuhan ng mga suspek ang tinuran ng biktima kaya ito pinagtulungang gulpihin.

Show comments