Paalam Marvin Reglos

ISABELA, Philippines  - Inihatid na sa huling hantungan kahapon ang mga labi ng San Beda Law School hazing victim na si Marvin Reglos kasunod ng emosyonal na pagsigaw ng katarungan ng kanyang mga kababaryo sa Barangay Caliguian sa bayan ng Burgos, Isabela.

Naglunsad ng signature campaign ang mga taga Caliguian upang ma­ngalap ng suporta na madaliin sa kasong murder si ­Eduar­do­ Escobal ng Lambda Rho Beta Fraternity.

Base sa ulat, si Escobal ang positibong kinilala ng mga nakasaksi na nagdala kay Reglos sa ospital sa Antipolo City kung saan ito nasawi dahil sa matinding pagpapahirap sa ginanap na hazing.

Kabilang sa mga miyembro ng nasabing fraternity na kinasuhan ay sina John Carlo Agito, Glenn Reufrancia, Kevin Mendoza, Norman Espinosa, Marco Pupil, Kevin Brian Pe, Ysrael Cruz, Christian Adobo at si Atty. Dino Robert de Leon.

Nawalan ng potensiyal na abogado ang aming maliit na bayan sa katauhan ni Reglos na sa edad 25 pa lamang ay kilalang-kilala na,” pahayag ni Rachelle Baysa, 24, kababayan ng pamilya Reglos na nasa Venice, Italy.

Ilan sa mga prominenteng nakipagluksa sa pag­hahatid kay Reglos sa Burgos Public Cemetary ay sina Isabela Governor Faustino Dy III na nangakong bibigyan ang pamilya Reglos ng abogadong libre at si Mayor Ruben Tegui ng nasabing bayan.

Show comments