Babaerong mister inutas ni misis

QUEZON, Philippines   – Sinaksak at napatay ang 32-anyos na mister ng sariling misis matapos ang mainitang komprontasyon sa loob ng kanilang tahanan sa Phase 1, Saint Anthony Village sa Barangay Masalukot sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng madaling-araw. Napuruhan sa dibdib si Rodolfo Bandol samantalang boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang misis na si Abegail Ann Bandol, 26.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insi­dente dakong ala-una ng madaling-araw habang nasa kainitan ang pagtatalo ng mag-asawa.

Inungkat ng misis ang napabalitang pakikipag­relasyon ng biktima sa ‘di-pinangalanang babae subalit itinanggi nito.

Sa gitna ng pagtatalo ay inundyan ng saksak ng misis ang kanyang mister kung saan idineklarang patay sa United Candelaria Hospital.

Show comments