Trader todas sa holdaper

MANILA, Philippines - Napatay ang 59-anyos na negosyanteng misis na sinasabing pumalag sa naganap na holdap matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Don Andres Soriano, Toledo City, Cebu kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Maria Belen Santillan, may-ari ng Santillan Enterprises sa nasabing lungsod. Base sa police report nakarating sa Camp Crame, pauwi na ang biktima mula sa kanyang opisina at patawid sa kalsada nang harangin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo. Pilit na inaagaw ang bag ng biktima na naglalaman ng malaking halaga at mga tseke. Gayon pa man, nanlaban ang biktima kaya nairita ang dalawang holdaper at pinagbabaril ito.

Show comments