MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 11-anyos na nene matapos na halayin ay binasag pa ang bao ng ulo nito saka inabandona sa bahagi ng Barangay Bayugan II sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur, ayon sa ulat kahapon. Bandang alas-9 ng umaga kamakalawa nang matagpuan sa masukal na lugar ang naagnas na bangkay ng biktimang si Loida Dumaneg, Grade 3 pupil sa Bayugan II Elementary School. Sa police report nakarating sa Camp Crame, huling namataang buhay ang biktima na may binili sa tindahan noong Linggo ng gabi.