Pastor dedo sa killer trak

BULACAN, Philippines – Isang 49-anyos na pastor ng Christian community ang iniulat na nasawi habang malubha naman ang kasama nito matapos masalpok ng trak ang kanilang motorsiklo sa McArthur Highway sa Barangay Tuktukan sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa ospital si Fernando Flores habang ginagamot naman ang kaangkas sa motorsiklo na si Ryan Perias, 20. Samantala, sumuko naman ang drayber ng trailer truck na si Jose Sayno Jr. ng Brgy. Lolomboy, Bocaue. Ayon kay PO3 Jorge Lopez, magkaangkas sa motorsiklo ang magkaibigan nang mahagip ng trak (RGU 434) ni Sayno. Nawalan ng balanse ang motorsiklo kung saan tumilapon ang dalawa saka nagulungan ng trak.

Show comments