200 bahay nilamon ng apoy

ZAMBALES, Philippines – Milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang 200 bahay kamakalawa ng hapon sa bayan ng Masinloc, Zambales. Base sa ulat, nagsimula ang apoy sa bahay ni Jacinto Roma ng Sitio Matalviz sa Barangay Inhobol kung saan gumapang ang apoy sa mga bahay sa Sitio Baloganon. Wala naman napaulat na nasawi at nasugatan subalit aabot sa 700-katao ang nawalan ng tirahan kung saan pansamantalang nasa 3-evacuation center. Naapula naman ang sunog bandang alas-5:30 ng hapon habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments