Konsehal bulagta sa ambush

MANILA, Philippines - Napatay ang municipal councilor habang sugatan naman ang escort nitong miyembro ng Civilian Volunteer Organization matapos tambangan ng apat na armadong kalalakihan na sinasabing mortal na kaaway ng kanilang angkan sa Barangay Tual sa bayan ng Picong, Lanao del Sur kamakalawa. Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang napaslang na si Councilor Tagoranao Pompol Saliling, 54. Isinugod naman sa ospital ang alalay nitong si Suma Saliling, 30. Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan ng Toyota Revo (XPE147) ang dalawa nang tambangan ng grupo ni Farouk Balindong Jr. Nabatid na ang angkan ng mga Balindong at ni Saliling ay mortal na magkaaway na nag-ugat sa agawan ng lupain sa kanilang bayan.

Show comments