Obrero minartilyo sa ulo, dedo

BULACAN, Philippines — Hindi na nagising ang 29-anyos na obrero matapos martilyuhin sa ulo ng kanyang kasamahang trabahador sa construction site na natutulog kamakalawa ng gabi sa Maunlad Home Subd. sa Barangay Caingin, Malolos City, Bulacan. Nakatalukbong pa ng kumot sa higaan sa barracks ang biktimang si Ramil De Leon ng Mindanao Street sa Brgy. Sto. Rosario, Malolos City. Huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa mga kasamahan sa barrack noong Biyernes. Tugis naman ng pulisya ang suspek na hindi muna pinangalanan habang narekober naman sa crime scene ang martilyo na may bahid ng dugo at ibinalot sa basahan.

Show comments