5 tiklo sa Ramgen-Janelle sex video

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga opera­tiba ng Criminal Investigation and Detection Group ang lima-katao matapos na maaktuhang nagbebenta ng pirated sex video ng yumaong actor na si Ramgen Revilla at ang nobyang si Janelle Manahan sa bayan ng Cainta, Rizal kamaka­lawa.

Bandang alas-5:30  ng hapon nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng  Criminal Investigation and Detection Group’s Women and Children Protection Division at Detection and Special Operations Division ang commercial complex sa Cainta na nag­r­esulta sa pagkakadakip sa 5 kataong nagbebenta ng kontrobersyal na sex video scandal.

Kabilang sa mga nasakoteng suspek ay sina Zoren Reyes, 35; Sonny Abdulrashed, 18; Salman Usman, 20; Junard Sharief, 27; at si Asnawi Kiram, 19.

Ayon kay CIDG Director Samuel Pagdilao Jr., umaabot sa 75 piraso ng pornographic materials, 1,300 pirated DVDs at CDs ang nakumpiska kabilang ang sex videos ng magsyota.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act) at Article 201 ng Revised Penal Code ang mga suspek.

Show comments