Totoy utas sa kuryente

TUGUEGARAO CITY ,Philippines  - Nangisay at namatay ang isang 8-anyos na Grade 3 pupil matapos makuryente sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Paringao, Bauang, La Union kamakalawa. Base sa ulat, naglalaro ang biktimang si Mark Fratesa nang mapahawak sa talop na kable ng kuryente sa dinding ng kanilang bahay. Dito na nangisay ang bata at nawalan ng malay-tao kung saan naisugod naman sa Ilocos Training and Regional Medical Center ng kanyang inang si Analay subalit idineklarang patay.

Show comments