18-anyos pinana sa leeg

QUEZON, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa isang 18-anyos na lalaki na sinasabing pumalag sa holdaper matapos panain sa leeg ng ‘di-kilalang lalaki sa bahagi ng Pleasantville Subdivision sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City sa Quezon kamakalawa ng gabi. Sa imbestigasyon nina SPO1 Aldrin Andres at PO2 Miljun Magadia, dakong alas-11:30 ng gabi nang harangin ang biktmang si Jaypee Magcaida habang naglalakad sa harapan ng basketball court. Tinutukan ng pampana sa isda ang leeg ng biktima saka nagdeklara ng holdap.Pumalag naman ang biktima kaya pinana siya sa leeg saka tinangay ang kanyang cellphone at P2,000 cash sa pitaka. Nakahingi naman ng tulong sa sekyu ng subdivision ang biktimang nakatira sa Brgy. Bocohan kung saan kaagad naman siyang nadala sa Quezon Medical Center subalit nalagutan ito ng hininga ng dakong alas-4 ng madaling-araw.

Show comments