Holdaper bulagta sa pulis

BULACAN, Philippines – Napatay ang isa sa riding-in-tandem na holdaper matapos makipagbarilan sa mga pulis habang hinoholdap ang sangay ng LBC remittance center sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Pablito Umerez Jr. ng Brgy. Caingin sa bayan ng Bocaue habang nakatakas naman ang kasamahan nito lulan ng motorsiklo. Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, naganap ang insidente dakong alas-6:10 ng gabi kung saan tinutukan ng baril ang dalawang kawani ng remittance center na sina Melissa Bernardo at Lilibeth Domingo.

Namataan naman ng mga tauhan ni Amparo ang nagaganap na holdapan kaya tinangkang pigilan subalit habang papatakas ang riding-in-tandem ay nakipagbarilan pa ito sa mga rumespondeng pulis. Na nauwi sa shootout.

Show comments