Misis tinodas ni mister

CAMP SIEMON OLA, Legazpi City ,Philippines  - Sinaksak at napatay ang isang 29-anyos na misis ng kanyang mister na seloso sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Sta. Salud sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur kahapon ng tanghali. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Annaliza Jiongco habang nasakote naman ng pulisya ang suspek na si Robin Abainza, 34. Ayon sa ulat ng pulisya, lango sa alak ang suspek nang magwala ito sa loob ng kanilang bahay. Kaagad naman pinayapa ng biktima ang kanyang mister subalit hindi ito nagpapigil hanggang sa mauwi sa pananaksak. Lumilitaw sa imbestigasyon na nagselos ang suspek matapos makatanggap ng tsismis mula sa ilang kapitbahay na may lalaking karelasyon ang biktima.

Show comments