Bike vs bike: 2 dedo

CAMARINES NORTE ,Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa magkapitbahay na mister makaraang magkasalpukan ang kanilang motorsiklo sa Maharlika Highway sa Barangay Matnog sa bayan ng Basud, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Insp. Antonio Perez, lumilitaw na patungong Daet si Joaquin Zabala, 28, lulan ng motorsiklo (EQ5841) nang mag-overtake ito sa sinusundang sasakyan subalit nakasalpukan naman ang motorsiklo ng kanyang kumpareng si Richard Barbecho, 34, kapwa nakatira sa Purok 3 sa nabanggit na barangay. Nabatid na kapwa walang suot na helmet ang dalawa kung saan idineklarang patay sa Camarines Norte Provincial Hospital si Barbecho habang si Zabala naman ay namatay sa pinangyarihan ng sakuna.

Show comments