Driver binoga ng sekyu

BULACAN, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 28-anyos na traysikel drayber makaraang ratratin ng security guard na tumangging magbayad ng pamasahe kahapon ng umaga sa Barangay Wawa sa bayan ng Balagtas, Bulacan. Naisugod sa Bulacan Provincial Hospital ang biktimang si Ryan Gobaliza ng Barangay Panginay, Guiguinto habang tugis naman ang suspek na si Julieto Mangubat ng Meycauayan City, Bulacan. Base sa police report, sumakay ng traysikel ang suspek sa labas ng palengke subalit tumangging magbayad pagsapit sa patutunguhan kaya kinompronta ng biktima hanggang sa magkainitan at nauwi sa pamamaril.

Show comments