Mag-amo dedo sa ambush

CAVITE ,Philippines  – Napaslang ang mag-among sabungero matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa naganap na pananambang kamakalawa ng hapon sa Aguinaldo Highway sa Barangay Anabu 2-F sa bayan ng Imus, Cavite.

Kinilala ang mga napatay na sina Chairman Noli Camaisa, 48, ng Pasong Santol, Barangay Anabu 2-E; at Wilson Picarra, 52, cock handler ni Camaisa.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. John Bulalacao, Cavite PNP director, lulan ng kotse ang mag-amo kasama si Fidel Sabala mula sa Arcontica Coliseum nang pagbabarilin ng grupo ng kalalakihang sakay ng puting van na walang plaka.

Naisugod pa sa UMC Hospital ang mag-amo subalit namatay din habang ginagamot habang hindi naman nasugatan si Sabala na nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments