15 GRO arestado

SUBIC, Zambales, Philippines – Umaabot sa 15 guest relation officer o GRO at mga trabahador ng isang bar ang inaresto ng magkasanib na pwersa ng pulisya at Regional Social Welfare and Development Office (RSWDO) sa isang raid na naganap sa bayang ito kamakailan.

Ayon kay Zambales Provincial Police Director Sr. Supt Francisco Santiago Jr., ang mga inaresto ay nagtatrabaho sa Kalesa Bar na matatagpuan sa Barangay Calapandayan, Subic.

Ang mga nahuli ay sinampahan ng paglabag sa Article 201 of Revised Penal Code “Immoral doctrines, obscene publication and exhibition and indecent shows”, gayundin ang may-ari ng bar na kinilalang si Edgardo Mago na hindi nakita sa bar nang gawin ang raid.

Show comments