MANILA, Philippines - Suportado ni Kiblawan, Davao del Sur Mayor Marivic Diamante ang Tampakan mining project sa kanyang bayan na planong tayuan ng tailings dam.
Ayon kay Diamante, positibo silang matutuloy ang proyekto sa kabila na hindi pinagkalooban ng environmental compliance certificate (ECC) ang Tampakan mine.
Nilinaw ng alkalde na sa konsultasyon sa kanyang nasasakupan, pinaboran ng mayorya ang large-scale kaysa small scale mining.
“Sa umiiral na mga pambansang batas sa pagmimina, sa pahayag na suporta ng administrasyong Aquino sa mining industry at sa desisyon ngayon ng korte sa Dipolog City, dapat na magdalawang isip ang South Cotabato officials sa kanilang open-pit ban,” sabi ni Diamante.