Cagayan Island nilindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng 3.0 magnitude ang bahagi ng Cagayan Island kahapon ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanologist and Seismology (Phivolcs). Ayon sa Phivolcs, namonitor ang lindol sa lalim na 10 km bandang alas-8:21 ng umaga kung saan ang centro at mararamdaman sa layong 35 km southwest ng Caltayan Island. Samantala, naganap naman ang paglindol na may lakas na 3.9 magnitude sa silangang bahagi ng Cortes, Surigao del Sur bandang alas-2:29 ng madaling araw. Lumilitaw na nagkiskisang tectonic plate ang pinagmulan ng pagyanig sa dalawang nasabing lugar. Wala namang iniulat na nawasak na ari-arian sa naganap na pagyanig.

Show comments