QUEZON, Philippines – Inatake sa puso at namatay ang isang 61 anyos na lolo matapos makipagtalik sa isang babaeng guest relation officer (GRO) sa loob ng hotel sa Barangay Malabanban Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PO3 Mark Anthony Vito, ang biktima na si Danilo Losloso ng San Juan, Batangas. Bandang alas-5:40 ng hapon nang mag-check-in sa RJC Hotel ang biktima at isang GRO kung saan makalipas ang ilang oras ay lumabas ang babae para bumili ng pagkain. Hindi na bumalik ang babae kaya naghinala ang ilang staff ng hotel na may masamang nangyari sa biktima. Dito na natagpuang patay ang biktima sa kama kung saan sinasabing inatake sa puso matapos makipagtalik sa babae.