Lola dinedo sa harap ng apo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 60-anyos na lola matapos saksakin ng ‘di-kilalang lalaki sa harap mismo ng kanyang apo sa naganap na holdap kamakalawa ng gabi sa Sea Breeze Homes Subd., Barangay Cabid-an sa Sorsogon City, Sorsogon. Hindi na umabot ng buhay sa St. Peter and Paul Hospital si Jocelyn Jardin na sinasabing nanlaban matapos hablutin ang kanyang bag na naglalaman ng malaking halaga, alahas at ilang dokumento. Sa police report, lumilitaw na pababa ng traysikel ang biktima kasama ang kanyang apong lalaki para pumasok sa kanilang bahay nang lapitan at hablutin ang bag nito. Nanlaban ang biktima kaya sinaksak ng holdaper.

Show comments