Koreano hinoldap sa coffee shop

MANILA, Philippines - Mistulang hinahamon na ng mga masasamang elemento ang mga alagad ng batas matapos na holdapin ang isang turistang Koreano sa loob mismo ng coffee shop kamakalawa ng umaga sa Baguio City. Sa imbestigasyon, naganap ang insidente habang nagkakape si Rae hyeok Jauang, 22, sa Café Merlon Coffee Shop sa Purok 9, Tacay Road, Pinsao Proper, Baguio City bandang alas-7:50 ng umaga. Bigla na lamang dumating ang tatlong holdaper na sakay ng kulay maroon Toyota Tamarax (UVK -421 ) at agad tinutukan ng baril ang biktima. Walang nagawa ang biktima matapos na puwersahang agawin ng mga holdaper ang kaniyang laptop saka mabilis na tumakas sa lugar. Agad namang ini-report ng Koreano ang insidente sa mga awtoridad.

Show comments