Italyano grabe sa akyat-bahay

CAVITE, Philippines  – Malubhang nasugatan ang isang Italyanong volunteer nurse matapos saksakin ng isang miyembo ng Akyat-Bahay Gang kahapon ng madaling araw sa Barangay Lalaan 2 sa bayan ng Silang, Cavite. Nagtamo ng saksak sa tiyan at naisugod naman sa Tagaytay Hospital and Medical Center ang biktimang si Pedri Stocco Edda, 66, stay-in sa Rogationist College ng nasabing lugar. Ayon kay PO1 Erwin Laureles, nagawang makapasok ng kawatan sa tinutuluyang bahay ng biktima bandang alas-2:10 ng madaling araw. Natunugan naman ng biktima ang pagpasok ng kawatan kaya pinigilan nito ang masamang gagawin subalit sinaksak siya sa tiyan.

Show comments