Bus vs. van: 2 todas, 5 grabe

CAMARINES NORTE, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi matapos magsalpukan ang van at pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay Cadlan sa bayan ng Pili, Camarines Sur, kahapon ng madaling araw. Kabilang sa mga nasawi ay ang drayber ng van na si Jayson Arcilla at ang kasamahang si Edcel Meligrito. Samantala, sugatan at naisugod sa Bicol Medical Center ang apat na sakay ng van at isang pasahero ng RU Diaz Bus. Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang drayber ng bus na si Pedro Bernarde. Lumilitaw na bago maganap ang trahedya ay namataang paekis-ekis ang takbo ng van kung saan nakasalpukan ang bus.

Show comments