Ama inutas ng anak

BACOLOD CITY, Philippines  – Isang 60-anyos na ama ang pinagpapalo ng tubo hanggang sa mapatay ng kanyang anak na lalaki sa Barangay Tabu sa bayan ng Ilog, Negros Occidental noong Miyerkules. Kasalukuyang natutulog ang biktimang si Rodrigo Dama­yon sa kanilang bahay nang pagpapaluin ng tubo ng suspek na si Russel Damayon na sinasabing may sakit na nervous breakdown. Ayon kay P/Insp. Joshua Villasis, ang suspek na sinasabing biktima ng maltreatment ng kanyang ama ay naaresto naman ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team kung saan dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Show comments