BULACAN, Philippines - Isang 23 anyos na pasaheo ng traysikel ang iniulat na nasawi habang kritikal naman ang drayber nito makaraang masalpok ng trak sa kahabaan ng highway sa bayan ng Angat, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Regino Santiago ng Barangay Pundisyon habang malubha naman ang drayber ng traysikel na si Francis Pascual, 26, ng Brgy. San Roque. Samantala, sumuko naman ang driver ng truck na si Crisanto Principe, 46, ng Brgy. Sto. Cristo. Base sa ulat ni PO1 Benedict Reyes, lumilitaw na biglang huminto sa madilim na bahagi ng gilid ng highway ang traysikel para bumaba si Santiago nang salpukin ng trak (NIF 297).