Truck driver patay sa hit and run

CAVITE, , Philippines – Basag ang bungo at halos magkalasug-lasog ang buto ng isang truck driver makaraang aksidente itong masagasaan ng isang rumaragasang van habang nagtatanggal ng gulong, kahapon ng madaling araw sa Barangay Maduya, Carmona, Cavite. Sa ulat ng tanggapan ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. John Bulalacao, ang biktima ay nakilalang si Calixto Quarto, 45-anyos, may asawa, truck driver, tubong Lucena City at residente ng Lambakin, Marilao, Bulacan. Batay sa imbestigasyon ni PO2 Marlon Ramirez, may hawak ng kaso dakong alas-4:30 ng madaling-araw ng maplatan ang minamanehong truck ng biktima. Sa salaysay ng helper na si Ranel Sanchez, magkatulong sila ng biktimang naggagawa ng gulong sa bandang kanan ng truck ng bigla na lamang nahagip ng isang kulay pulang van si Quarto na s’ya nitong ikinamatay. 

Show comments