Kalihim ng NPA rebs, tiklo

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng pulisya at militar ang notoryus na kalihim ng mga rebeldeng New People’s Army matapos madakma sa inilatag na ope­rasyon sa bisinidad ng Libuganon Bridge sa Barangay Bincungan sa Tagum City, Davao del Norte kamakalawa ng hapon. Sumasailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Gregorio Albaran Mananay alyas Vincent Taoy/Benal, secretary ng Front Committee 2, Southern Mindanao Regional Committee ng NPA command. Ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest mula sa iba’t ibang korte kaugnay ng pagkakasangkot nito sa serye ng kasong kriminal. 

Show comments