Negosyante itinumba

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya ,Philippines  – Isa na namang negosyante ang kauna-unahang napaslang pagpasok ng 2012 matapos pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa bayan ng Ilagan, Isabela kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Anuar Ruga, 34, tubong Marawi City at kilalang lider ng mga Muslim sa nasa­bing bayan. Ayon sa ulat, dakong alas-6 ng gabi nang pagbabarilin ang biktima sa gilid ng kalsada sa Barangay Calamagui 2nd, Ilagan.

Show comments