3 suspek sa pagpatay sa pari, dakma

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  ,Philippines — Tatlo sa limang suspek na isinasangkot sa pamamaslang sa isang pari noong 2007 ang nadakma ng mga awtoridad sa bisinidad ng Barangay Balbuena sa bayan ng Pinili, Ilocos Norte, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni P/Senior Insp. Jefferson Antalan, hepe ng Pinili PNP, ang mga suspek na sina Roger Macalma, 48; Lydia Ma­calma, 40,; habang si Liwliwa Macalma, 35, pawang nakatira sa Barangay Opon ay sumuko matapos malamang nadakip na ang kanyang dalawang utol.

Samantala, patuloy na pinaghahanap ang mag-amang suspek na sina Roger Gamboa at Ronnie Gamboa na itinuturong may kinalaman din sa pagpatay kay Fr. Florante Rigonan.

Sa tala ng pulisya, si Fr. Rigonan ay sinasabing niratrat ng mga suspek habang palulan ng sasak­yan mula sa dinaluhang okasyon ng pamilya Macalma noong Agosto 28, 2007.

Show comments