QUEZON ,Philippines — Tatlong fetus na itinapon ng 'di-kilalang babae ang natagpuan ng basurero sa dumpsite sa Barangay Villa Padua, Gumaca, Quezon, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay SPO2 Eman Orivida, ang nasabing mga fetus ay pawang nakalagay sa magkakahiwalay na tatlong bote nang matagpuan ng basurerong si Juanito Callosa dakong alas-8:30 ng gabi. Agad na dinala sa Gumaca District Hospital ang mga fetus na pawang nakababad sa formalin at ang dalawa dito ay nasa stage of decomposition na.