BAYOMBONG, Nueva Vizcaya ,Philippines – Isang lalaki na nagpaandar ng motorsiklo sa pagsalubong sa Bagong Taon ang napatay matapos saksakin ng senglot na kapitbahay sa Barangay San Lucas sa bayan ng Magsingal, Ilocos Sur kamakalawa ng madaling-araw. Idineklarang patay sa Magsingal District Hospital si Jobelle Tamayo, 26, habang naaresto naman ang suspek na si Bonifacio Soliven, 33. Lumilitaw na naingayan ang suspek sa malakas na tambutso ng motorsiklo ng biktima sa pagsalubong sa 2012 kaya isinagawa ang pamamaslang.