40 kabataan ng UMC nalason

MANILA, Philippines - Umaabot sa 40 kaba­ taan ng United Methodist Church ang isinugod sa ospital matapos na malason sa idinaraos na 5-araw na camping sa bayan ng Ba­gac, Bataan, ayon sa ulat kahapon.

Sa police report na na­karating sa Camp Crame, aabot sa 16-katao ang isinu­god sa Bataan General Hos­pital, 15 naman sa Isaac at Catalina Medical Center sa Balanga City habang si­yam iba pa ang pinauwi na matapos mabigyan ng ka­ram­patang lunas.

Sa salaysay ni UMC Pas­tor Marlon de los Reyes, nagdaos ng 5-araw na cam­ping sa Mt. Zion Retreat Cen­ter ang 200 kabataan kung saan sa huling gabi ng Hu­webes naganap ang insi­dente.

Nagsimulang sumama ang pakiramdam ng mga biktima sa pagitan ng alas-2 hanggang alas-3 ng madaling araw noong Biyernes kung saan dumanas ng matinding pananakit ng tiyan, pagka­hilo at pagsusuka.

Pinaniniwalaan namang kon­taminado na ang pag­kaing carbonara na sinasabing na­ka­lason sa mga biktima.

Kaugnay nito, kumuha na ng sample na pagkain ang mga health official upang ma­determina ang sanhi ng pag­kalason.

Show comments