3 bomba narekober

MANILA, Philippines - Tatlong bomba na pinaniniwalaang itinanim ng breakaway group ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang narekober ng militar sa highway ng Barangay Tamontaka sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon ng umaga. Ayon kay Col. Prudencio Asto, hepe ng PIO sa Army’s 6th Infantry Division, natagpuan ang nakasakong improvised explosive device (IED) sa harapan ng RP Metal junkshop sa Mintex road. Kasunod nito, dalawa pang bomba na nakakahon ay narekober naman sa nasabing highway kung saan may nakakabit na electrical wires,12 watts cell battery at iba pa. Isa sa tatlong bomba ay may markang Bangsa Islamic Freedom Fighters kung saan agad na-idetonate ng mga tauhan ng Explosives and Ordnance Division bago pa sumabog.

Show comments