CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Hindi na umabot pa sa Pasko ang isang binata matapos na barilin at saksakin habang ito ay nagpapahinga sa bahay kubo kamakalawa ng gabi sa Brgy. Curvada, Cataingan, Masbate.
Nakilala ang biktima na si Vicente Delos Santos, 43, residente ng Sitio Bel-is, Brgy. Poblacion ng naturang bayan.
Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-9:00 ng gabi habang ang biktima ay nagpapahinga sa bahay kubo nang lapitan ng suspect at walang sabi-sabing pagbabarilin ito ng kal. 45 pistola at tarakan pa sa katawan ng kutsilyo na siyang naging sanhi ng agarang kamatayan nito. Mabilis na tumakas ang suspect.
Blangko pa ang pulisya sa motibo at kung sino ang pumaslang sa biktima.