2 tiklo sa baril

BULACAN, Philippines — Kalaboso ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng baril dahil sa magkahiwalay na lugar sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Hector Samar ang mga suspek na sina Fernando Cuntapay, 42, sekyu ng BMG Motor Sales Inc., ng Rivero Compound sa Brgy. Bañga at Isaias Esteban, 45, ng Saint Michael Subd., Brgy. Pandayan.

Ayon sa police report, si Cuntapay na sinasabing lango sa alak sa loob ng showroom ng nasabing kompanya ay nagpaputok ng baril kung saan tumama sa windshield ng pampasaherong jeepney (CVF-340) ni Richie Vallador. Samantala, nasakote naman si Esteban sa Barangay Pandayan matapos tutukan ng baril ang tatlong menor-de-edad na patungo sa simbahan.

Show comments