14-anyos kisay sa kuryente

MANILA, Philippines - Napaaga ang kamatayan ng isang 14-anyos na batang lalaki matapos itong makuryente sa Barangay Maug, Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang nasa­wing biktima na si Christian Buzon ng Purok 1. Ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng kanyang ama na si Cezar Buzon sa damuhan. Sa pagsusuri ng Regional Crime Laboratory Office 13, na nasawi ang biktima dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente mula sa nakalaylay na live wire. Nabatid na kinukumpuni ng biktima ang linya ng kuryente sa kanilang tahanan matapos na putulin ito ng hindi pa nakilalang lalaki na napagtripang gumawa ng kalokohan. Gayon pa man ay hindi napansin ng biktima ang nakalaylay na talop na linya ng kuryente na aksidente nitong nahawakan.

Show comments