Pulis dedo sa bike crash

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  — Isang bagitong pulis ang iniulat na nasawi matapos sumalpok ang motorsiklo nito sa likurang bahagi ng trak sa kahabaan ng kalsada ng Barangay Sta. Cruz, Ligao City, Albay kamakalawa ng gabi. Basag ang bao ng ulo ng biktimang si PO1 Gabriel Jaucian, 27, may-asawa , nakatira sa Barangay Travesia, Guinobatan, Albay. Lumilitaw na hindi napuna ng biktimang lulan ng motorsiklo na pumarada ang 10-wheeler truck (POV-108) ni Leonardo Ocado kaya naganap ang sakuna. Napag-alamang pauwi na ang biktima mula sa himpilan ng pulisya nang makasalubong si kamatayan.

Show comments