Opensiba ng militar vs NPA naudlot

TUGUEGARAO CITY, Philippines  — Naudlot ang matinding opensiba na inilatag  ng tropa ng militar laban sa mga rebeldeng New People’s Army sa kabundukan ng Sierra Madre sa bayan ng San Mariano, Isabela dahil sa Suspension of Offensive Military Operations na idineklara ng pamahalaan noong Biyernes. Sinabi ni Col. Miguel Puyao, tagapagsalita ng 5th Army Division sa bayan ng Gamu, Isabela na itinigil ng militar ang patuloy hot pursuit operations laban sa mga rebelde na tumambang sa civic activities ng mga sundalo sa Barangay San Jose kung saan nasugatan sina Cpl. Joel Arce at Pfc. Joel Ibus noong hapon ng Huwebes. Bunga nito agad na nagpadala ng reinforcement si 5th Division Commander Brig. Gen. Rommel Gomez subalit pinabalik sa kanilang base sa Camp Upi matapos umiral ang ceasefire noong Biyernes.

Show comments