Pusakal na magnanakaw tiklo

CAMARINES NORTE ,Philippines  —   Kalaboso ang kinahinatnan ng isang pusakal na magnanakaw matapos makorner ng mga opisyal ng barangay sa bahagi ng Iglesia Extension, Brgy. 7, Daet, Camarines Norte kahapon ng umaga Kinilala ni P/Supt. Allan Ramos, hepe ng pulisya, ang suspek na si Jovy Florendo 35-anyos may asawa at residente ng Purok 9, Brgy. 4, Mantagbak, Daet. Ang suspek ay naaresto nina BPSO (Brgy. Public Safety Office ) Cesar Posada at Isagani Angel makaraan ang isang habulan habang lulan ng isang scooter na XRM may plakang 6157 EP kasama ang dalawang nakatakas na suspek.  Bandang alas-8 ng umaga ng makita ng negosyanteng si Richard Ibasco na pumasok sa kaniyang carwash ang suspek na mabilis na kinuha ang isang stand fan habang naghihintay sa labas ang kasamahan. Nabatid sa rekord na si Florendo ay isa sa itinuturong suspek sa naganap na malaking nakawan nitong nakalipas na taon sa isang apartment sa likuran ng Camarines Norte Provincial Hospital na inuukopa ng isang Japanese national.

Show comments