SANTA MARIA, Davao del Sur , Philippines - Pinaniniwalaang depresyon sa buhay kaya nagdesisyon ang isang biyuda kaya ito nagbigti sa loob ng kanilang tahanan sa bayan ng Santa Maria, Davao del Sur kamakalawa. Natagpuan na lamang ng anak na si Michelle ang nakabiting katawan ng kanyang ina na si Marlita Cayetano, bandang alas-10:30 ng umaga. Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima na sinasabing balisa at ‘di-mapalagay habang nakikipagkuwentuhan sa ilang kaibigan kung saan nasambit ang mabigat nitong problema sa buhay. Sa kabila ng mga pahayag ng kaanak at mga kaibigan, ipinag-utos naman ng pulisya na isailalim sa awtopsiya ang bangkay ni Merlita upang tiyaking walang foul play na naganap.