4 tulak-droga dakma

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang apat na kalalakihan na sinasabing notoryus na tulak-droga matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na magkahiwalay na drug bust operation sa Barangay Bucal sa Meycauayan City, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Pormal na pinakasuhan ni P/Senior Supt. Fernando Mendez, Jr. ang mga suspek na sina Rodelio Dullecen, 26, ikalawa sa listahan ng drug watchlist; Julius Plumos, 25; Jason Chevernia, 22, at Jeffrey Lacson, 33, pawang nakatira sa Sitio Dike, Brgy. Bañga 2nd sa bayan ng Plaridel at sa Brgy. Canumay, Valenzuela City. Nasamsam sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu, pinatuyong dahon ng marijuana at mark money na ginamit sa buy-bust operation.

Show comments