Estudyante dedo sa rambol

BULACAN, Philippines – Napaslang sa saksak ang isang 20-an­yos na estudyante matapos makasagupa ang tatlong kabataan sa naganap na rambulan sa loob ng restobar sa MacArthur Highway sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Idineklarang patay sa Bulacan Medical Center ang biktimang si Johnrey Narciso ng Brgy. Matimbo habang nasakote naman ang mga suspek na sina Zhendie Doma, 20; Reynalyn De Leon, 19, kapwa nakatira sa Barangay Dampol 2nd, Pulilan; at Lady Dianne Bautista, 18, ng Barangay San Marcos sa bayan ng Calumpit. Lumilitaw na nagkainitan ang biktima at ang tatlong suspek matapos malango sa alak sa loob ng Suede Restobar nang sumiklab ang rambulan kung saan napatay ang estudyanrte.

Show comments