Hepe ng sekyu itinumba

CAVITE, Philippines – Binaril at napatay ng 'di-kilalang lalaki ang hepe ng mga sekyu habang ito ay nakikipag-usap sa ma­nager ng security agency kamakalawa ng gabi sa Barangay Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite. Napuruhan sa ulo si Edwin Gendibe, 38, chief operation ng Pacer Security agency at nakatira sa Barangay Pag-asa sa nasabing bayan. Lumilitaw na nakikipag-usap ang biktima sa ma­nager na si Carlito Alindog sa harap ng kanilang opisina sa nasabing ahensya bandang alas-6:45 ng gabi nang lapitan at barilin. Naisugod pa sa Dela Salle University Medical Center ang biktima subalit idineklarang patay.

Show comments