2 kawani pisak sa trak

MANILA, Philippines - Napisak ang katawan ng dalawang kawani ng kompanya matapos masagasaan ng 10-wheeler truck kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng highway sa Barangay Pakigne sa  bayan ng Minglanilla, Cebu. Kinilala ang mga nasawi na sina Niño Gerale, 25; at Christine Nadela, 27. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, bigla na lamang tumawid ang dalawang biktima sa highway nang mapansin ng mga ito ang paparating na multicab. Kaagad na iniwasan ng dalawa ang multicab pero sa kamalasan ay nahagip naman ng trak. Nakaladkad pa ng ilang metro ang dalawa kung saan kapwa sumabog ang bungo bukod pa sa pagkapisak ng  katawan. Arestado naman ang driver ng trak na si Panfilo Roble, 55. 

Show comments