Mag-iina nasagasaan sa highway

BALANGA CITY, Bataan, Philippines — Nasawi ang isang ina habang malubha namang nasugatan ang dalawang anak nito makaraang masagasaan ng sasakyan habang tumatawid sa Roman Superhighway sa Barangay Tuyo, Balanga City, Bataan kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Senior Insp. Dennis Orbista, deputy chief of police ang namatay na si Michelle Luvino habang kritikal naman ang kalagayan sa Bataan General Hospital ang mag-utol na Cody Boy, 8; at Renzel Luvino, 7, pawang nakatira sa nabanggit na barangay. Kalaboso naman ang drayber ng sasakyan (CKP 831) na si Erickson dela Cruz Ramos, 33, ng Barangay Mabatang sa bayan ng Abucay.

Show comments