Magsasaka dedo sa kidlat

CAMARINES NORTE ,Philippines  — Hindi na umabot ng Pasko ang isang magsasakang nasawi matapos tamaan ng kidlat habang nag-aani ng palay sa gitna ng palayan sa bahagi ng Barangay Iraya sa bayan ng Minalabac, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Nadiskubre ang sunog na katawan ni Marlon Azares ng Barangay Del Carmen sa nasabing bayan. Ayon kay P/Senior Insp. Rolito Oros­co, huling nakitang buhay ang biktima na nagpaalam sa kanyang misis bandang alas-3 ng hapon kung saan nagtungo sa palayan para mag-ani subalit madilim na ay hindi pa bumabalik. Pinagtulungang hanapin ang biktima subalit bumu­ngad ang sunog na katawan nito sa gitna ng palayan.

Show comments