Remittance center nilooban

BULACAN ,Philippines  — Muli na namang nilooban ng dalawang ‘di-kilalang lalaki ang LBC remittance center sa Barangay San Gabriel sa Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga. Ang insidente ay ipinaabot sa himpilan ng pulisya nina Paolo Talao, 31, ng Brgy. Agnaya, Plaridel, Bulacan; Michael Dionisio, 24, ng Brgy. Panginay, Balagtas at kapwa kawani ng remittance center habang natangayan din ng cell phone ang customer na si Susana Osama, 29, ng Brgy. Mabolo, Malolos City. Base sa ulat ni PO3 Carlito Bernardo, nilimas ang P15,000 cash ng remittance center at tatlong cell phone na pag-aari bago tumakas ang dalawa sakay ng motorsiklo.

Show comments