Ambush: Trader dedo, helper grabe

QUEZON  ,Philippines — Patay agad ang isang 44-anyos na negosyante habang nasa kritikal na kalagayan naman ang kanyang helper matapos na ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa Candelaria- San Juan Road sa Barangay Malabanban Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Ramon Espejo ng Barangay Sta. Catalina Sur habang ginagamot naman sa Candelaria Hospital si Mark Anthony de la Cueva, 23, ng San Pablo City.

Ayon kina PO2 Arthur Archibald Real at PO1 Richard Lamac, lulan ng owner-type jeep (DLC 788) ang mag-amo patungo sana sa bayan ng San Juan nang dikitan at ratratin ng riding-in-tandem.

Show comments